Pagkamatay ni Kian, huwag gamitin sa pamumulitika ayon kay Sen. JV

Nanawagan si Sen. JV Ejercito sa mga kapwa mambabatas na huwag gamitin ang pagkamatay ni Kian Delos Santos ang sinasabing biktima ng extra judicial killings para sa political interest.

Ayon kay Ejercito, ginagawa naman ng Senado ang kanilang tungkulin upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagpaslang kay Kian at naayon ba sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pulis sa implementasyon war on drugs .

May mga grupo rin anya na ginagamit ang pagkamatay ni Kian para sa kani-kanilang interest.

Noong Sabado nga ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Kian Delos Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *