Sen. Lacson tiwala kay Espenido na magagampanan nito ang tungkulin sa bagong assignment

Malaki ang tiwala ni Sen. Panfilo Lacson kay Ozamiz Police Chief Inspector Jovie Espenido na magagampanan nito ang kanyang tungkulin sa kanyang bagong assignment sa Iloilo City.

Ayon kay Lacson hindi mababayaran ang serbisyo ni Espenido na may integridad at tapat sa kanyang tungkulin.

Ayon kay Lacson na dati rin PNP Chief naging tao nya si Espenido sa PAOCTF labing pitong taon na ang nakararaan kaya alam nya kung paano magtrabaho si Espenido.

Ngunit sa huli ay suportado nito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pagtibayin ang rule of law at rule of engagement ni Espenido sa pagtupad sa kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan.

Si Espenido ang dating hepe ng pulis sa Albuera, Leyte ng mapaslang si Mayor Rolando Espinosa Sr. at makalipas ang ilang buwan ay naasign naman sa Ozamiz City na napaslang rin ang Alkaldeng si Reynaldo Parojinog Sr. kasama ang asawa nito at labing apat pang tauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *