3 lugar sa Metro Manila, maapektuhan ng water service interruption ngayong araw, ayon sa Maynilad Water Services

Pinayuhan ng Maynilad Water Services ang mga customer nito sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela City na mag ipon na ng sapat na supply ng tubig dahil sa ipapatupad na water service interruption mamayang hapon.

Ayon sa Maynilad magsasagawa ito ng service improvement activity sa Binuksuk Reservoir at makakaranas ng pansamantalang paghina ng supply ng tubig simula mamayang alas 4 ng hapon hanggang bukas ng alas 10 ng umaga.

Kabilang sa maapektuhan ng water interruption ang Barangays Capri, Gulod, Sta Monica, Nagkakaisang nayon, North Fairview, Novaliches Proper,at San Agustin sa Quezon City, at Barangay 165 hanggang Barangay 167. Sa bahagi ng Caloocan at sa Valenzuela City, maapektuhan din ang Barangay Bignay, Canumay East, Canumay West, at Barangay Punturin.

Paliwanag pa ng Maynilad kapag natapos na ang pagkumpuni, maaaring magkaroon pa ng delay sa pagbabalik ng water supply depende sa elevation ng lugar at layo ng lugar mula sa mga pumping station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *