Abellera pinabulaanan na tumanggap ng P5 Milyon mula kay Taguba

Hindi man nakadalo sa pagdinig ng Senado si Davao City Councilor Nilo ‘Small’ Abellera kaugnay sa P6.4 Bilyong  halaga ng shabu shipment mula sa China ay nagpadala lamang ito ng sulat sa Senate Blue Ribbon Committee kung bakit hindi sya makadalo sa hearing.

Base sa kanynag sulat sinabi nitong sa kanyang medical certificate na ipinadala, pinayuhan sya ng doctor na kailangang magpahinga muna ng dalawa hanggang apat na linggo dahil sa hypertensive urgency uncontrolled.

Samantala ayon naman sa affidavit ni Abellera pinabulaanan naman nitong tumanggap sya ng limang Milyong Piso mula kay Mark Taguba na hindi nya kilala.

Itinanggi rin nito na kilala nya ang sinasabi ni Taguba na Tita Nanny.

Inamin nito na may naka meeting sya na ang pangalan ay Jack noong nakaraang taon o ngayong taon may tumawag sa kanynag pangalang Jack na hindi nya kilala ay nagrequest na makipagmeet sa isang resto bar sa Davao.

Early evening nang makipagmeet sya sa Jack na may kasama at ipinakilala sya na isang customs broker .

Nakikiusap ang Jack na kung pwedeng i-aarange ang meeting ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kasama nyang broker.

Magalang umano nyang  sinagot ang Jack na hindi nya maarrange ng meeting si Vice Mayor Paolo at hanggang sa ipinakilala nyang si Mark Taguba ang kasama nya.

Kaya naman pinabulaanan nyang hindi sya nakipag transaksyon kay Taguba at hindi pa sila nagkita kahit na isang beses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *