DOTr Sec Tugade muling ipinanumpa ang mga empleyado na maging tapat sa kanilang serbisyo

Hinihikayat ni Department of Transportation Sec Arthur Tugade ang mga empleyado ng Land Transportation Office o LTO na isumpa nila na maibibigay nila ang mabuti at maayos na serbisyo sa publiko.

Ito ang naging pahayag ng naturang kalihim sa panahon ng  Flag Raising Ceremony sa harap ng LTO employees kasabay na rin sa isinagawang launching para sa 5 year validity driver license ngayon araw.

Idinidiin din ni Tugade na kahit na marelease na ang bagong lisence card ay hindi pa rin dapat hayaan na may nakakapasok na fixer sa loob ng tanggapan.

Bagamat naging usap usapan kung nagmamaneho ba si Tugade ay kaninang umaga lamang una  nang tumanggap si Tugade para sa bagong inilabas ngayon na 5 year lisence card.

Tiniyak naman ni ASEC Edgar Galvante ng LTO na malaki ang kaibahan ng driver lisence card noon at ngayon.

Dahil ang bagong inilabas na lisence card ngayon ay hindi madaling gayahin o basta basta na lamang pepekehin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *