Higit 100 na babaeng sundalo at pulis, ipinadala sa Marawi

Higit isandaang mga babaeng sundalo at pulis ang ipinadala sa lungsod ng Marawi ngayong araw.

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año ang send-off ceremony sa Joint AFP-PNP Civil Relation Team sa Villamor Air Base, Pasay City.

Ang mga ipinadalang babaeng sundalo at pulis ay susuporta sa ikakasang recovery, reconstruction at rehabilitation sa lungsod.

Mangangasiwa rin ang grupo sa psychosocial intervention, peace building, prevention at counter violent extremism.

Samantala, nakasalamuha naman ng Pangulong Duterte ang mga batang apektado ng nangyayaring gulo sa Marawi City.

Bahagi ito ng kanilang Manila educational tour.

Magtatagal naman ng limang araw ang educational tour ng mga bata na ginawa para pansamantalang makalimot at makalayo sa gulo sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *