Limang minutong proseso ng drivers license pang demo lang daw ayon sa DOTr

Dinepensahan ng Department of Transportation o DOTr ang limang minutong proseso ng pagkuha ng driver’s license matapos itong pangunahan ni Transport Sec Arthur Tugade kahapon.

Ayon sa DOTr, demo lang daw ang nasabing proseso kahapon inabot kasi ng kaliwa’t kanang komento ang ginawang proseso sa driver’s license ni Tugade .

Kung saan inabot lamang ito ng limang minuto sa kabila ng mga ginawa nitong maling impormasyon sa kaniyang aplikasyon.

Naniniwala ang kagawaran na posibleng abutin ng ilang minuto ang processing dito dahil sa human interventions.

Samantala, inabisuhan na rin ni Tugade ang Land Transportation Office o LTO na bilisan ang kanilang sistema at pinahihigpitan na rin pagpasok ng mga fixers sa ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *