Malacañang, itinangging gimik lang ang pakikipagkita sa mga magulang ni Kian Delos Santos

Itinanggi ng Malacañang na gimik lang ang pakikipagkita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian Delos Santos.

Kasunod ito ng balita na umano’y pakitang tao lamang ito para maiwasan ang paglala ng sentimyento ng publiko sa pagkakapatay kay Kian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi gawain ng Pangulo ang ganitong “damage control” at pagmanipula sa pagbibigay ng mensahe.

Sinabi ni Abella na ang pagharap ni Duterte sa mga mag-asawang Delos Santos ay isang makataong tugon sa mahirap na sitwasyon ng mga naulila.

Iginiit din ng kalihim na ang mga magulang ni Kian ang humiling na makipagpulong kaya pinagbigyan ito ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *