Uber nagbayad na ng P190 M sa LTFRB

Nabayaran na sa LTFRB ng transport network company na Uber ang P190-M na multa sa isang buwang suspensyon nang labagin nito ang ban makaraang tumanggap ng mga bagong partner drivers.

Matapos makapagbayad sa LTFRB ang mga abogado ng Uber na sina Atty. Roberto Ramiro at Anne Mascenon ay hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag sa media ang mga Uber lawyers ang P190 Million fine ay mapupunta sa National Treasury.

Samanatala hindi pa maaring makabalik sa operasyon ang Uber hanggat hindi nito maipapakita ang certification ng depository bank na pinaglagakan ng Financial Assistance na P19.9 Million bawat araw na ibinigay sa mga drivers nito sa loob ng 28 araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *