Umano’y ‘ill-gotten wealth’ at mga gold bars ng Pamilya Marcos, handang isauli – Duterte

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok ang Pamilya Marcos na buksan at ibalik ang sinasabing nakaw na yaman o “ill-gotten wealth.”

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa harap ng mga nanumpang bagong government appointees.

Sinabi ni Pangulong Duterte na lumapit sa kanya ang tagapagsalita ng mga Marcos upang ihayag ang kanilang kahandaang mabusisi ang kanilang mga kayamanan at ibalik maging ang mga “gold bars.”

Ayon kay Pangulong Duterte, tatanggapin niya ang alok ng mga Marcos maging ang kanilang paliwanag sa nakaw na yaman, totoo man o hindi, basta ang mahalaga ay makinabang dito ang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *