Ikalawang impeachment complaint laban kay CJ Sereno inindorso ng 25 mambabatas

Naihain na sa kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang reklamong impeachment, apat na dahilan ang inilahad ni Atty. Lary Gadon kontra sa punong mahistrado ng Korte Suprema.

Kabilang na rito ang “culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.”

Isa rin sa naging dahilan ni Gadon ay ang pagbatikos din umano ni Sereno sa martial law sa Mindanao kahit na may nakahain ng petisyon laban dito sa korte.

Wala rin daw pahintulot mula sa en banc si Sereno para magtalaga ng mga opisyal sa Supreme Court.

Ang nasabing impeachment complaint ay inindroso ng dalawampu’t limang mga kongresista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *