P190M na ibinayad ng Uber, nai-remit na ng LTFRB sa national treasury

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi sa kanila napunta ang halos dalawandaang milyong pisong ibinayad ng Uber.

Ayon kay LTFRFB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, kaagad nilang ini-remit sa national treasury ang nasabing halaga.

Bahala na aniya ang national treasury na ipamahagi ang nasabing halaga sa mga tanggapan ng gobyerno bilang bahagi ng national budget.

Ginawa ng LTFRB ang pahayag matapos batikusin ng mga netizen na kumita umano ang ahensya sa ibinayad na multa ng Uber.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *