Kylie Padilla, nagsalita na tungkol sa ‘di pagkakamabutihan nina Aljur Abrenica at Robin Padilla

Nagsalita na si Kylie Padilla, kaugnay sa hindi pa rin pagkakaunawaan ng karelasyon na si Aljur Abrenica at amang si Robin Padilla.

Bago ito, inihayag ni Aljur na hindi sila hinarap ni Robin nang puntahan nila ito sa bahay para makita sana ang apo kay kylie na si Baby Alas.

Ayon kay Kylie, masakit sa kaniya na hindi pa rin tanggap ni Robin ang relasyon nila ni Aljur pero nirerespeto niya ang nararamdam ng ama.

Sinabi pa ng aktres na gusto kasi ng amang si Robin na maikasal muna siya.

Bagaman mayroon ng isang anak, inamin ni Kylie na pareho pa silang hindi handa ni Aljur na magpakasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *