PH Consulate: walang ‘Pinoy na nadamay sa Las Vegas Massacre

International News

Walang ‘Pinoy na nadamay sa masaker sa Las Vegas, Nevada, ito ang pahayag ni Vice Consul Dyan Miranda-Pastrana ng Philippine Consulate General sa California, USA.

Aniya, wala pa silang natatanggap na impormasyon na may Pinoy na namatay o nasugatan sa nangyari.

Ilang Pinoy din aniya ang tumutulong sa mga nasugatan sa insidente.

Sa pagtaya ni Pastrana, higit 120 pinoy ang nagtatrabaho sa Las Vegas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *