Morris brothers, Balik na sa kani-kanilang koponan

Naabswelto na sa kasong ‘aggravated assault’ ang dalawang NBA players na sina Marcus at Markieff Morris.

Ang twin brothers ay naakusahan na umano’y tumulong sa 3 katao na bugbugin ang 36 anyos na si Erik Hood noong Enero, 2015 sa labas ng isang high school basketball game sa Phoenix.

Nang mangyari ang nasabing insidente ay pareho pang naglalaro ang dalawang magkapatid sa koponan ng Phoenix Suns. Pero ngayon si Marcus ay naglalaro na sa Boston Celtics at si Markieff naman ay na sa koponan na ng Washington Wizards.

Matapos na basahin ng hukom sa Maricopa County Superior Court, ay sinabi ng dalawang magkapatid na handa na silang bumalik sa kanilang kanya-kanyang koponan para maglaro.

Dahil sa nasabing trial ang Morris brothers ay hindi nakapaglaro sa simula ng NBA Preseason.

Habang hindi naman nakasali sa pagsasanay ang Los Angeles Lakers Rookie na si Lonzo Ball, dahil sa mild sprain sa kanyang left ankle na natamo noong Preseason Game.

Sinabi ni Coach Luke Walton, na isasailalim si Ball sa re-evaluated bukas para kanilang malaman kung makakadalo ba ang no. 2 overall pick sa kanilang susunod na laban kontra sa Nuggets na gaganapin sa Ontario, California,USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *