Laban nina Jeff Horn at Gary Corcoran sa Disyembre, pina-plantsa na

Pinaplantsa na ng kampo ni WBO Welterweight Champion Jeff Horn ang kaniyang pagdepensa sa titulo laban kay Gary Corcoran ng England sa Disyembre.

Ito ay inihayag ni Top Rank Big Boss Bob Arum, matapos magkasundo umano ang dalawang kampo sa magiging mga tuntunin ng laban.

Sinabi ni Arum na hindi pa pumipirma ng kontrata ang dalawang panig dahil pina-finalize pa ang pagtatayo ng isang 8-thousand seater temporary facility sa venue ng laban sa Brisbane, Australia.

Inaasahang magaganap ang bakbakan nina Horn at Corcoran sa Disyembre 15 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *