Tambalang ‘LizQuen’, ‘di mabubuwag; Miles Ocampo, bukas na makatrabaho si Xander Ford

Pinabulaanan ni Enrique Gil na mabubuwag na ang tambalan nila ni Liza Soberano.

Naging usap-usapan na mabubuwag na ang love team na ‘LizQuen’ dahil magkahiwalay na ngayon ang dalawa sa kani-kanilang mga proyekto.

Ginagawa ni Liza ang bagong Darna movie, habang tampok naman si Enrique sa pelikulang Seven Sundays.

Mensahe naman ni Enrique sa kanilang mga fans na maghintay lang sa sususnod na proyektong pagtatambalan nila ni Liza.

Samantala, ikinatuwa naman ni Miles Ocampo ang pag-amin ni Marlou Arizala, na nagpalit pangalan bilang si Xander Ford, na gusto siya nitong makatrabaho muli.

Si Miles ang gusto raw na maka-love team ni Xander, ngayong bago na ang itsura nito matapos ang matagumpay na facial transformation.

Ayon kay Miles, wala naman siyang problema na makatrabaho si Xander, pero sa ngayon ay wala siyang alam kung may plano ang management nila na pagtambalin sila sa iisang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *