Bahay ng suspek sa ‘Las Vegas’ Massacre, muling hinalughog ng FBI

Muling hinalughog ng Federal Investigation Bureau (FBI), ang bahay ng suspek sa “Las VegasMassacre na si Stephen Paddock.

Ito ay bilang bahagi umano ng “re-documenting” at “rechecking” na isinasagawa ng mga otoridad.

Ayon kay Mesquite Police Chief Troy Tanner, walang ibang layunin ang search operation kung di ang muling pagsusuri sa lugar at pagkuha ng ilang mga litrato.

Matatandaan na una nang pinasok ng mga otoridad ang bahay ng suspek kung saan nakuha mula rito ang 19 na iba’t ibang uri ng baril, at ilang bagay na posibleng ginagamit sa paggawa ng bomba.

Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pa ring nakikitang motibo ang mga otoridad kung bakit ginawa ni Paddock ang walang habas na pamamaril na ikinasawi ng nasa 59 na katao at ikinasugat naman ng nasa 500 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *