5 katao, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Parañaque Police.

Huli ang 5 katao sa Lungsod ng Parañaque sa magkakahiwalay na operasyon
ng Philippine National Police (PNP)—Parañaque. Unang naaresto ang isang
Edison Arias, 35 anyos at Junior Reynaldo, 19 makaraang itawag sa
Parañaque Police ng isang concerned citizen na nagsasagawa ng pot session
ang mga suspect sa Hontiveros Compound, Brgy San Antonio, Parañaque
City.

Nakuha sa mga ito ang 1 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang
shabu, 1 sachet ng marijuana, 2 improvise totter, 2 lighters, 2 aluminum
foil.

Samantala, isang buy-bust operation naman sa Brgy. Sto Niño, Parañaque
City.

Naaresto ang mga suspect na sina: Airen Masukat, 21 anyos at Jocelyn
Akmad, kung saan nakuha sa mga ito ang 1 plastic sachet ng hinihinalang
shabu at P1,000 marked money.

Habang sa isa pang buy-bust operation sa Baclaran. naaresto rin ang suspek
na si Geraldine Soriano, 37 anyos, kung saan nakuha naman mula dito ang
4 na sachet ng hinihinalang shabu at P300 buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *