COMELEC Chairman Andres Bautista, nagbitiw sa kanyang puwesto

Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang Commission on Election (COMELEC)
Chairman si Andres Bautista.

Sa kanyang inilabas na pahayag, ito na raw ang tamang panahon para
bumaba sa kanyang tungkulin, kasabay nang pag-postponed ng Barangay
Election na gaganapin sana sa Mayo, 2018.

Dagdag pa niya, nagawa na niya ang kanyang gampanin at tungkulin bilang
chairman ng COMELEC at isa na rito ang naganap na 2016 Presidential
Election.

Gayunman, pinasasalamatan ni Bautista ang institusyon kasama na ang
kanyang mga nakatrabaho rito at umaasa si Bautista na patuloy na
pangangalagaan ang mandato at integridad ng komisyon para sa
sambayanang Pilipino.

Nanungkulan si Bautista sa COMELEC bilang Chairman noong Abril 28, 2015
nang i-appoint ni Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.
Samantala, agad namang tinanggap at nirerespeto ng Malakanyang ang
kanyang pagbibitiw na epektibo hanggang sa Disyembre, 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *