Dalawang LPA, binabantayan ng PAGASA

      No Comments on Dalawang LPA, binabantayan ng PAGASA

Dalawang sama ng panahon ang ngayo’y binabantayan ng PAGASA kung
saan ang isa ay nasa loob na ng bansa habang ang isa pa ay nasa boundary
ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang LPA na nasa loob ng bansa ay huling namataan ng PAGASA sa 350
kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Ang nasabing LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na mga pag-ulan na kung
minsan ay malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha at
flashfloods sa Kalakhang Maynila, Gitnang Luzon, Cordillera Administrative
Region, Cagayan Valley at CALABARZON.

Makakaranas naman ng maulap na papawirin lalo na sa hapon o gabi dahil
sa thunderstorms ang nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA asahan na ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na
bagyo ang namataang LPA na sa boundary ng PAR.

Papangalanan itong Odette sa Pilipinas kung magiging bagyo ang nasabing
LPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *