AFP, tatanggap ng ayuda mula sa Russia

National News

Tatanggap ng biyayang-tulong mula sa bansang Russia ang hanay ng
Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kagamitang pang giyera.

Sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, napagkasunduan ng
kasalukuyang administrasyon at gobyerno ng Russia nang siya ay bumisita
doon noong Mayo, na tatanggap ang tropa ng mga sundalo ng Pilipinas ng
5,000 Kalashnikov riffles at posible rin ang ayudang 20 army trucks na
inaasahang darating sa susunod na linggo.

Nilinaw naman ng Malakanyang, na walang kapalit ang mga tulong na ito.

Ang Pilipinas ay kilalang matagal nang kaalyado ng Estados Unidos na
mahigpit namang karibal ng Russia.

(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *