PDEA Dir. Gen. Aquino, Aminadong mahihirapang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa

Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na malaking
responsabilidad ang kanilang kakaharapin sa war on illegal drugs matapos
sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang PDEA ang siyang mamahala sa
mga drug-operations at hindi na ang PNP.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, aminado siya na mahihirapan
sila sa pagsugpo laban sa ilegal na droga dahil halos mahigit 1,000 lang ang
mga tauhan ng PDEA na naka destino sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Aniya, hindi naman niya hiniling kay Pangulong Duterte na alisin ang PNP sa
pagtulong sa PDEA sa pagsugpo sa ilegal na droga dahil malaking tulong
umano ang PNP sa PDEA.

Naniniwala si Aquino, na isang hamon sa ahensya ang responsabilidad na
inatang ng pangulo upang labanan ang mga maliliit at malalaking sindakato
ng droga sa bansa.

(Ulat ni: Jimmy Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *