Sen. Hontiveros, dudang matatapos ang patayan kahit hawak na ng PDEA ang kampanya laban sa ilegal na droga

National News

MATAPOS ilipat sa ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency
(PDEA)
ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pangunguna sa kampanya
ng administrasyon kontra ilegal na droga, nananatiling duda si
Senadora Risa Hontiveros na wawakasan na ang kaliwa’t kanang
patayan.


Aniya, ‘wag pag-interesan ang mga mahihirap na tulak at gumagamit
ng ilegal na droga, bagkus ang dapat puntiryahin ay ang mga
malalaking sindikato,
drug-lords, mga pasimuno ng drug smuggling at
money laundering na may kaugnayan din sa ilegal na droga.


Matatandaang hawak dati ng
Philippine National Police (PNP) ang
pangunguna sa kampanya ilegal na droga, na umani rin ng batikos at
nagpaingay maging sa iba’t ibang samahan ng mga bansa sa mundo
tulad ng European Union at United Nations, dahil sa libo-libong
kataong napatay bunga ng kampanya.


Samantala, wala pang tugon ang Malakanyang sa pahayag ni Sen.
Hontiveros.


(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *