Zamboanga City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa bagyong Paolo

Regional

ISINAILALIM na sa state of calamity ang Zamboanga City matapos na malubog sa baha ang labing-pito nitong barangay dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Paolo.

Umabot na rin umano sa apatnapu’t limang milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga pananim habang mahigit tatlong libong pamilya naman ang apektado ng kalamidad.

Pitong katao na rin umano ang naitalang patay at isandaan at limampung kabahayan na ang nasira dahil sa bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *