Abella, suportado ang bagong presidential spokesman

National News

NAGPAHAYAG ng suporta si Outgoing Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella sa bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo
Duterte.

Ayon kay Abella, naabot ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque ang “expectations” ng pangulo.

Naniniwala si Abella na maihahatid nang maayos ng bagong talagang tagapagsalita ang mga programa ng gobyerno.

Sa panig naman ni Roque, pinuri nito ang naging trabaho ni Abella bilang tagapagsalita ng pangulo sa mahigit isang taon.

Sinabi ni Roque na napakahirap sundan ang mga nagawa ni Abella subalit walang ibinigay na dahilan ang pangulo kung bakit siya ang itinalaga bilang tagapagsalita nito.

(DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *