LTFRB, patuloy ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminals

National News

PATULOY ang pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) sa mga terminal ng bus sa Metro Manila.

Kabilang sa binisita ng ahensya ngayong araw ang mga terminal sa Maynila at Caloocan City.

Sinita ng LTFRB ang ilang bus terminal na may bayad ang palikuran.

Pinapapalitan din sa isang bus company ang lumang 24/7 viber at text hotline ng ahensya.

Kahapon, ilang problema ang nakita sa mga terminal sa EDSA-Cubao.

 

(DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *