MRT-3, muling nagkaaberya ngayong araw

Metro News

MULING nakaranas ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kanina.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, bandang 8:28 ng umaga nang pinababa ang mga pasahero sa Ayala Avenue Station Northbound dahil sa problemang
teknikal.

Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero habang agad na dinala sa MRT deport ang nagkaaberyang tren.

(DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *