Anemia: sanhi at solusyon

Health

TAONG 2013, Tinatayang 183,000 katao ang namatay bunsod ng sakit na Anemia.

Karamihan sa mga nagkakasakit nito ay mga buntis, at walang pinipiling edad.

Ang Anemia ay isang kundisyon sa katawan ng tao na nagkakaroon ng kakulangan sa pulang dugo (Red Blood Cell)—ito ang nagdadala ng oxygen sa katawan ng tao.

Sa pamamagitan ng complete blood count (CBC) makikita ang antas ng hemoglobin at hematocrit sa katawan ng tao. Kung sakaling ang isang tao ay may mababa sa antas ng hemoglobin maaaring tamaan ng sakit na Anemia, na nagdudulot ng pagkahilo, panghihina, mabilis na pagkahingal at mabilis na pintig ng pulso.

Narito ang ilang sanhi ng Anemia:

1. Kulang sa pagkaing mataas sa iron tulad ng mabeberdeng gulay at karne.

2. Pagdurugo sa katawan tulad ng pagkakaroon ng regla sa kababaihan , almoranas at ulcer.

3. Kawalan ng gana sa pagkain, posibleng dahil ito sa pagkakaroon ng bulate sa tiyan lalo na sa mga bata.

4. Buntis. Ayon sa pag-aaral 4 sa 10 buntis ay anemic.

5. Mga taong may pangmatagalang sakit, kaya’t payo ng mga eksperto suriin ang sarili at magpakonsulta sa doktor.

Narito naman ang mga posibleng paraan upang masolusyunan ang
Anemia:

1. Magpasuri sa doktor lalo na sa mga may kondisyon ng mga pagdurugo
sa katawan.

2. Kung sa sobrang baba ng hemoglobin, malimit na ikonsulta ng mga
doktor ang pagsasalin ng dugo.

3. Pag-inom ng iron tablets kung di ganoon kalubha ang anemia sa
katawan.

4. Kumain ng atay ng baka, karneng baka, baboy at manok na
sasabayan ng mabeberdeng gulay—ito ang tinuturing na mga
pagkaing may mataas sa iron.

5. Gawing healthy ang lifestyle—kasama na ang pagtulog ng wasto sa
oras, pag-iwas sa bisyong nakaka apekto ng masama sa katawan at
palagiang magpatingin sa doktor.

(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *