PNP, isang linggong naka-full alert para sa ASEAN Summit

National News

ISANG linggong ilalagay sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Summit.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, naka-full alert ang kanilang hanay simula Nobyembre 8 hanggang 15.

Pitong araw na itatalaga ang pulisya sa EDSA na walang uwian at walang exemption.

Ia-activate din ang Reserved Standby Security Force ng National Headquarters para tumulong sa ASEAN task force.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio—Manila)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *