MRT, tatlong beses na nagpababa ng mga pasahero


TATLONG
beses na naperwisyo ang mga pasahero ang Metro Rail Transit (MRT-3).


Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, nagpababa sila ng mga pasahero sa Quezon Avenue Station Northbound, Cubao Station Northbound at Buendia Station Southbound.


Paliwanag ng MRT, nakaranas ng problemang teknikal ang mga tren.

Nakakuha ng category 3 ang mga aberya, ibig sabihin inalis ang mga nasirang tren na walang kapalit.

Ito ang ikalawang araw ng pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTR) sa MRT matapos ibasura ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Incorporated (BURI)

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *