2 miyembro ng African drug syndicate, arestado sa Cavite

DALAWANG Nigerian na miyembro ng African drug syndicate ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang entrapment operation sa Kawit, Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga suspek na sina Anochiwa Lewi at Desmond Ozom.

Nakumpiska sa dalawa ang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P6-million.

Sinabi ni aquino na maglalagay sila ng opisina sa mga pantalan para higpitan ang seguridad laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *