Public viewing sa labi ni Isabel Granada, uumpisahan na ngayong araw

Showbiz

BUBUKSAN ng dalawang araw sa publiko ang burol ng aktres na si Isabel Granada sa Santuario De San Jose Parish sa Greenhills East Village, Mandaluyong.

Magsisimula ang public viewing ngayong 10:00 ng umaga hanggang bukas, Nobyembre 11 hanggang 5:00 ng hapon.

Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga fans ng Isabel na makita ang idolo sa huling pagkakataon.

Nakatakda namang i-cremate ang labi ng 41 anyos na aktres sa araw ng Linggo, Nobyembre 12.

Binigyan ng military honors ng Philippine Air Force ng dumating sa Pilipinas ang labi ni Granada.

Paliwanag ni Lt. Col. Marciano Guevarra, isang lisensyadong piloto si Isabel at naging kabilang ito sa Regular Force noong 2001 bago na-promote na Airwoman 2nd Class Sergeant.

 

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *