Warriors, nasungkit ang 5th straight win

Sports

MULI na namang namayagpag ang Golden State Warriors sa NBA regular season.

Tinambakan ng warriors ang Minnesota Timberwolves, sa score na 125-101.

Nanguna sa panalo ng Warriors ang ginawang 28 points, 5 rebounds at 3 assists ni Klay Thompson.

Nagpamalas din ng galing si Stephen Curry na kumamada ng 22 points, 8 rebounds at 8 assists.


Ito na ang panlimang sunod na panalo ng Warriors at dahil dito ay mayroon ng 9 wins at 3 loss ang defending champion.

Sa iba pang NBA games, wagi ang Boston Celtics kontra Los Angeles Lakers, sa score na 107-96 habang tinalo ng Miami Heat ang Phoenix Suns, sa score na 126- 115.


Hindi naman sapat ang ginawang 99 points ng New York Knicks para talunin ang Orlando Magic na gumawa ng 112 points.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *