ASEAN exhibit, handa na para sa mga asawa ng mga dumalong mga pinuno ng ibang bansa

HANDANG-HANDA na ang gagawing ASEAN exhibit mamaya para sa mga asawa ng mga head of states na dadalo sa ASEAN summit sa bansa na may temang “Asean At 50: Power As Flow”, na gaganapin sa Little Theater, Cultural Center Of the Philippines (CCP).


Tampok sa nasabing exhibit ang mga artifacts, imahe at mga panulat kaugnay sa kasaysayan ng mga taga-Southeast Asia na kinilala sa kalakalan, sining at kultura.

Makikita rin sa exhibit ang mga antigong alahas sa Southeast Asia na ini-reproduce ng mga tawid mula sa Baguio City at mga smiths ng yumaong Antiquarian Jeweler na si Ramon Villegas.

Sina Pastor Roces at Cora Alvina ang kasama ng mga asawa ng mga world leaders sa nasabing exhibit.

Kasunod nito, tutungo na ang mga first lady sa Manila Hotel para tikman ang four course Filipino menu na inihanda ni Chef Konrad Walter.

Bibigyan naman ni Ms. Honeylet Avancena ang mga asawa ng world leaders ng world-class malagos chocolates mula sa Davao City.

Hindi naman nakaabot sa final leg ng asian trip ni Trump si US First Lady Melania Trump.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *