Labi ng aktres na si Isabel Granada, na-cremate na

NA-CREMATE na ang mga labi ng aktres na si Isabel Granda.

Naging emosyunal ang lahat ng mga dumalo at nakiramay sa huling sandali para masilayan ang bangkay ng aktres.

Naroon at magkasama ang kasalukuyang partner ni Isabel na si Arnel Cowley at ang unang asawang si Angeles City Councilor Jericho Aguas at mga anak.

Naroon din si Mommy Guapa, ina ni Isabel at ang mga malalapit na mahal sa buhay ng 41-year old actress.

Bago ang cremation, muling binigyang ng military honors ng Philippine Airforce ang airwoman second class.

Ayon kay Lieutenant Col. Marciano Guevara, naging kabilang ang aktres sa regular force noong 2001 bago na-promote sa airwoman 2nd Class Sergeant.


Magugunita na mahigit isang linggong na-comatose si isabel sa ICU ng Hamad General Hospital sa Doha, Qatar bago binawian ng buhay noong November 4 dahil sa brain aneurysm.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *