US President Trump, tinawag na ‘short and fat’ si kim Jong-un ng NoKor

PERSONAL na binatikos ni US President Donald Trump ang height at weight ni
North Korean Leader Kim Jong-Un.

Ginawa ito ni Trump bago siya magbigay ng komento kaugnay sa posibilidad na
maging magkaibigan sila ng NoKor leader sa gitna ng tensyon sa nuclear threat ng
Pyongyang.

Nagpalitan ng bansag ang dalawang lider na unang tinawag ni Jong-Un na lunatic
old man
si Trump.

Biglang ganti, tinawag din ni trump si Jong-Un na short and fat.

Kahit hindi pa personal na nagkikita sina Trump at Jong-Un ay madalas na silang
nagbabatuhan ng bansag sa isa’t isa.

Una nang tinawag ni Trump si Kim na madman at rocket man, habang tinawag
naman si Trump ni Kim na mentally derange dotard.

Matatandaan na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay tinawag din si Kim na
“chubby” matapos ungkatin ang missile at nuclear programs ng NoKor.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *