Babaeng ilang araw ng nawawala, natagpuang patay, bangkay tinangka pang sunugin

NATAGPUANG patay ang isang 23 anyos na babae sa impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Barangay Rosario, Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Mabel Tagala Cama na noong Biyernes pa umano nawawala.
Pinaniniwalaang ginahasa ang biktima at sinunog rin ang kalahati ng katawan nito.

Kumbinsido naman ang pulisya na nagtatrabaho sa impounding area ang suspek sa pagpatay sa biktima.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang pulisya habang patuloy pa ang imbestigasyon.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *