BBC reporter, kinompronta ng isang ‘Pinay social media blogger sa ASEAN Summit

KINOMPRONTA ng isang ‘Pinay media social blogger na kilalang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reporter ng BBC.

Ito’y dahil sa hindi umano patas na pagtrato sa mga pro at anti-duterte groups.

Agaw eksena ang pagkompronta ng blogger na si Sass Sasot sa BBC South East Asia Correspondent na si Richard Head sa loob ng media center ng PICC kung saan ginaganap ang 31st ASEAN Summit.

Nabatid na nagalit si Sasot sa pagbibigay ng pagkakataon ng BBC na makapanayam ang isang minor blogger na kung saan ay binanatan si Pangulong Duterte at mga taga suporta ng punong ehekutibo.

Iginiit ni Sasot na hindi man lang daw sila nabigyan ng pagkakataon na masagot ang mga batikos laban sa kanila.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *