Canadian PM Trudeau, itinuring na ‘rockstar’ sa ASEAN

ITINUTURING na rockstar ng mga pinoy sa ASEAN Summit 2017 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Ito’y matapos pagkaguluhan sa lahat ng lugar na kaniyang pinupuntahan.

Malakas ang karisma ni Trudeau sa mga bata, matanda at lalo na sa mga kababaihan.

Bigay todo rin ang Canadian prime minister sa pagkain ng chickenjoy at strawberry float nang mapadaan ito sa kilalang Pinoy fast food chain sa North Harbour sa Maynila.

Sumakay pa ng jeep si Trudeau sa Ayala Avenue kung saan kinausap pa niya ang isang babae na person with disability (PWD).

Nakipag-usap din si Trudeau kina National Council on Disability Affairs Executive Director Carmen Zubiaga at Transportation Secretary Arthur Tugade sa ginawang inspeksyon sa latest model ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) 3 Electric Jeepney na maaaring magsakay ng PWDs.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *