Balangiga Bells, hindi napag-usapan nina Pang. Duterte at Pang. Trump

National News

HINDI napag-usapan sa bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at pangulo ng Amerika na si Donald Trump ang isyu tungkol sa Balangiga Bells.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kung maaalala, kinuha ng mga sundalong Kano ang tatlong kampana ng simabahan ng Balangiga sa Eastern Samar bilang war trophies noong panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano.

Matatandaang ipinanawagan ni Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address na maibalik na sa bansa ang mga kampana.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *