DOH, nilinaw na walang na-ospital sa naganap na komosyon sa ASEAN Music Festival

National News

APATNAPU’T DALAWA ang bilang ng mga nahimatay habang walo ang nagtamo ng minor injury sa naganap na komosyon sa nakanselang ASEAN Music Festival kagabi sa Ayala Triangle, Makati City.

Sa kabila nito, nilinaw ni Dr. Gloria Balboa ng Department of Health (DOH) na wala namang isinugod sa ospital.

Ayon kay Balboa, maayos na na-koordina ng kanilang hanay ang mga biktima.

Sa tantsa ng National Capital Region Police Office, umabot sa 26,000 ang crowd na dumalo sa Music Festival na inorganisa ng ASEAN National Organizing Committee.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *