North Korea, muling ibinalik sa terror list ng Amerika

International News

MULING ibinalik ng Amerika ang North Korea sa kanilang terror list.

Idineklara ni US President Donald Trump ang North Korea bilang state sponsors ng terorismo sa public meeting sa kanyang gabinete sa White House.

Nakatakda namang ianunsyo bukas ng Treasury Department ang bagong sanctions laban sa North Korea.

Taong 2008 ng tanggalin ng noo’y presidente ng Amerika na si George W. Bush ang North Korea sa US Terror List.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *