Mga mahistrado ng Korte Suprema, ipatatawag ng House Committee

National News

IPATATAWAG ng House Committee on Justice ang mga mahistrado ng Korte
Suprema para bigyang linaw ang alegasyon ni Attorney Lorenzo “Larry”
Gadon sa impeachment complaint nito laban kay Chief Justice Maria Lourdes
Sereno.

Ang alegasyon ay may kinalaman sa umano’y falsification ni Sereno sa ilang
ruling ng Korte Suprema.

Kabilang umano rito ang resolusyon sa pagbubukas ng Regional
Administrative Office
sa Region 7 at Temporary Restraining Order (TRO)
para sa Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines Inc.

Itinuro naman ni Gadon si Associate Justice Teresita De Castro na siya
umanong nakakaalam sa ginawa ni Sereno at willing umano ito na
tumestigo.

Bukod sa mga mahistrado, ipatatawag rin ang Manila Times’ reporter na si
Jomar Canlas na binanggit ni Gadon na pinagkuhaan niya ng impormasyon
sa umano’y tampering ng TRO.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *