3 UN special rapporteur, binuweltahan ng Malakanyang

National News

BUMUWELTA ang Malakanyang sa tatlong United Nations (UN) Human Rights Special
Rapporteur na nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang pagpatay na
may kaugnayan sa war on drugs.

Sa isang pahayag, tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “biased” at
nagpapakalat ng kasinungalingan sina Special Rapporteur Agens Callamard, Michel Forst
at Diego Garia Sayan.

Binigyang-diin ni Roque na hindi kailanman kukunsintihin ni Pangulong Duterte ang
paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings.

Maaalalang nagbanta si Duterte na sasampalin si Callamard dahil sa patuloy nitong
pambabatikos sa kaniyang war on drugs.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *