COMELEC, hindi na palalawigin pa ang voters registration para sa 2018 Sk at Barangay Elections

National News

HINDI na umano palalawigin pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter’s registration period.

Dahil dito, hanggang sa Nobyembre 30 na lamang pwedeng magparehistro ang mga nais bumoto para sa May 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC, matagal na panahon nang nakabukas ang voter registration kaya hindi na nila ito napag-usapang palawigin pa.

Hinimok naman ni Jimenez ang mga hindi pa nakakaparegparehistro na
samantalahin nang nalalabing araw para sa voter’s registration.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *