Ex-Pres. Aquino, iginiit na ang problema sa MRT-3, ay minana mula sa Administrasyong Arroyo

National News


BINIGYANG
diin ni Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na minana lamang niya ang isyu sa MRT-3 mula sa Administrasyong Arroyo.

Ginawa ni Aquino ang pahayag kasabay ng paggunita ng ika-85 kaarawan ng amang si Dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon sa dating pangulo, bago pa man siya umupo sa pwesto ay plano na ng
pamahalaang Arroyo na suriin ang mga sirang tren ngunit hindi ito natuloy.

Gayunpaman, nagpatuloy umano ang operasyon ng tren kahit luma na ang mga bagon nito sa ilalim ng dating maintenance provider na Sumitomo Corporation.

Iginiit ni Aquino na sinabihan sila ng Sumitomo na itataas nito ang presyo kung itutuloy pa ang magme-mentina ng MRT dahil sa sobrang paggamit ng publiko.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *