NDF consultants, maaari nang arestuhin matapos putulin ni Pang. Duterte ang peace talks sa mga komunista

National News

WALA nang bisa ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee
(JASIG).

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni Roque na maaari nang arestuhin ang mga National Democratic Front (NDF) consultants na pansamantalang nakakalaya dahil sa bisa ng JASIG.

Aniya, ang JASIG ay hindi nilagdaang may treaty status kaya maaari itong
mapawalang-bisa anumang oras na tapusin na ang peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.


Kabilang sa maaaring arestuhin ang mga NPA leaders na mag-Asawang Benito at Wilma Tiamzon.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *