Australia at India nilampaso ng Pilipinas sa unang araw ng Pacific School Games

NILAMPASO ng Philippine Softball Team ang host team na South Australia sa unang araw ng 10th Pacific School Games sa Adelaide, South Australia.Sa iskor na 6-0 taob ang Australia laban sa Pilipinas.

Sumunod na nilampaso ng koponan ng Pilipinas ang Indian Team na nabigong maka-iskor.

Tinambakan ng Pilipinas ang India sa iskor na 16-0.

Samantala, ngayong umaga makakaharap ng Philippine Softball Team ang koponan ng New South Wales habang sa hapon ay makakalaban ng Pilipinas ang estado ng Victoria, Australia.

Ang Pacific School Games ay ginaganap sa Adelaide Shores Sports Complex sa West Beach, Adelaide, South Australia, at magtatapos sa Disyembre 9.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *