Nakatakdang Tigil-pasada ng mga tsuper ng jeepney, ‘di na tuloy—PISTON

National News

KINUMPIRMA ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President George San Mateo na hindi matutuloy ang nakatakda sanang dalawang araw na nationwide transport strike ngayong Disyembre 4-5, 2017.

Ito ay matapos imbitahin sila ni Sen. Grace Poe na dumalo upang marinig ang kanilang panig sa senate hearing sa Disyembre 7.

Nagpapasalamat naman ang PISTON sa pag-imbita sa kanila ni Poe.

Sinabi ni San Mateo na bibigyang daan nila ang konsultasyong ito dahilan para ipagpaliban ang gagawing tigil-pasada ngayong araw.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *